Bob Ong Quotes – The Famous Bobong Pinoy | Bob Ong Quotes about Love, Education and Life in General

Bob Ong Quotes na walang kamatayan! Bob Ong Love Quotes ba ang hanap mo? O anong Bob Ong Quotes in particular? Malamang isa kang pinoy na nainspired din at naadik sa pagbabasa ng mga libro ni Bob Ong. Di ka nagkamali ng pinuntahan dahil nandito ang mga walang kamatayang Bob Ong Quotes tungkol sa pag-ibig, sa buhay, sa pag-aaral, at kung ano ano pa.

At kung hindi ka pamilyar kay Bob Ong, pero curious ka malaman kung sino sya, ang totoo nyan ay walang nakakaalam kung  sino sya  at kung ano ang tunay na pagkatao ni Bob Ong. Ang pangalang Bob Ong ay isa lamang pen name o  alias na nagmula sa dating pangalan ng blog nyang bobongpinoy. And tunay na katauhan ng magaling na manunulat na si Bob Ong ay nanatiling lihim, at inililihim din ng publisher ng kanyang mga libro.

Sa palagay ko ay nakatulong din and anonymity nya dahil alalong nacu-curious ang mga tao kung sino ba talaga ang tao sa likod ng mga famous Bob Ong Quotes lalo na ang mga Bob Ong Love Quotes naamimin nating lahat, sapul na sapul ang pusong pinoy. Ang kanyang mga nalilathalang libro ay talaga namang patok na patok sa pinoy kahit pa sa mga nasa ibang bansa na.  Anyway, heto na ang mga Bob Ong Quotes na hinahanap mo! Enjoy at wag mo kalimutan i-share!!!

Eto ang mga Bob Ong Love Quotes na ni-share ko sa Plurk at nagustuhan nila, nagkalat na rin ang mga ‘to sa text.

Bob Ong Love Quotes | Bob Ong Quotes tungkol sa pag-ibig

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

Bob Ong Quotes tungkol sa PAG-AARAL

“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

Bob Ong Quotes tungkol sa BUHAY (IN GENERAL)

“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

Other Bob Ong Quotes

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”

“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala.”

“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”

“iba ang informal gramar sa mali !!!”

” Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay.”

“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

——————————————————————————————————————

Ngayong nabasa mo na ang mga Bob Ong Quotes, Wag mo kalimutan i-share sa friends mo, lalo na ang mga Bob Ong Love Quotes. Wag mo ding kalimutang basahin ang mga libro ni Bob Ong para mas maenjoy mo. Eto ang Mga title ng books nya na available na sa bookstores at sa net:
ABNKKBSNPLAko?!
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Alamat ng Gubat
Stainless Longganisa
McArthur

Tags: , , , , , , , , , , , , , ,

39 Responses to “Bob Ong Quotes – Bobong Pinoy Quotes about Love, Education and Life in General”

  1. lio loco says:

    hanggaleng! san mo naman napagtiyagaang pulutin ang kompayleysyun na ‘to ng mga bob ong kowts? tama ka. ung pagka-anonymous niya ang nagpa-asteeg pa lalo sa asteeg na niyang paraan ng pagsusulat. hulaan mo kung ba’t mas pinili kong maging anonymous blogger. lolz.

    namimiss ko na nga xang basahin. ano na ba nangyari sa kaniya? matapos siyang maging full-time nobelista sa mcarthur, bigla na lang xa nawalang parang bula. tsk tsk tsk! mapasadahan nga ule ung mga bob ong books ko.

    kung sa tutuusin napakarami ng bob ong na pinoy sa sangkablogosperyohan. andyan lang silang nag-aantay na madiscover din. pero anu’t ano pa man, nakatutuwang isipin na meron tayong bob ong na representante ng kolektibong asteeg na pinoy.

    bow sabaw para sa isang natatanging nilalang! isa siya sa dahilan kung ba’t ako proud maging pinoy! :D

  2. Basti says:

    ahaha dyan lang sa tabi tabi.
    Oo nga eh, bigla nalang sya naglaho. pero malamang anjan lang yan… naghihintay ng tamang time para magpublish ulit ng libro.

    hmm kaya pala may ganung anonymous effect ka ah.

    idol talaga si bob ong, balita ko isa daw syang sikat at award winning na writer in real life.

  3. Basti says:

    “Bob Ong Love Quotes” na favorite ko.

    “Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

    “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

  4. cielooow says:

    San book makikita yung quotes nya about love? kasi parang di ko pa yun nabasa sa mga books nya though meron na ko lahat ng mga yun. thnks

  5. el ehy says:

    adik din ako sa mga books ni bob ong.. instructor ko pa nga ung ngsulsul sken nun.. gling xe ng mga qoutes nia.. ngbi2gay xa ng ilaw sa my mdi2lim na mundo.. ngek! hehe.. ka2inspire! haroo.. lol.. peu bow tlga ko sknia.. kapangalan pa nia father ko.. roberto.. roberto bob ong.. lab it! share lan.. hehe..

    *kaya cguro nmigay ng konsensya ang Diyos, dhil alm niang ndi sa lahat ng oras ai gumagana ang utak ng tao..*

  6. anggaling mo, dahil sau natuto akong maagpakatotoo…

  7. dahil sau, natutunan kong sabhin at ipagmalaki na kahit lugmok ang mga Pilipino sa buhay at karangyaang kanilang tinatamasa. may mali, may tama, may katamtaman at may kulang pa din.. di ito biro, dahil ikaw ang nagbukas ng akinbg isipan na kahit baluktot ang pagioisip ng isang tao, mayroong siyang katangi tnaging katangian na dapat iclap clap..
    maraming salamat bob..
    benster_retsneb@yahoo.com
    add mo nga ako,, try lang,..

  8. rukia says:

    wew. galing talaga..
    hi5 sau bob ong..
    congratulations..!Ü

    [palakpakan]
    =’)

  9. jemille says:

    GALiNG MO TLGA !

    iDOL ..

    KARAPAT DAPAT CKANG iCLAP.CLAP !

    :D

  10. memeng says:

    +super idol coh tlaga ikaw? loveyou.hehe

  11. kicker says:

    asteeeeg..

    idol talaga c bob ong..

    galing ng mga books nia..

    lalo na ang latest book nia na

    KAPITAN SINO..

    super galing..!!

  12. beth says:

    i was inspered by bob ong kowts..

  13. ableene says:

    galing mu mr. bob ong..
    idol :) )

  14. andri says:

    bob ong is da best wala ng tatalo sa sakanya pag na basa nyo ung mga books nya grabe maloloko ka whahaha good job bob… love yahh♥♥

  15. Ch3rri3 says:

    Galing2x nga nya.. super fan ako ni Bob Ong! :)

  16. aimyayie says:

    bilib ako kay bobong. “xa ang pilosopong may sense”

    hehe… wlang mag react ha. PEACE.

    pro mas mabibilib pa ako sa kanya if ng dahil sa mga

    KUWOWTZ niya ay mapagbago niya ang mindset ng mga noypi

    at ng yumaman ang ekonomiya ng felepens.

    hinahamon kita Bob Ong. kaya mo bang gawin ‘yon?

    sana makarating ‘to kay Bob Ong. (azo00ooommmm!!!!!)

    *PEACE on u, PEACE w/ d Philippines, PEACE w/ the mother earth*

  17. khieve^_^ says:

    I’m so proud of you BOB ONG!!!for your none praised
    unceasing efforts to write an inspirational quotes
    for us!,
    and I’m blessed for having a chance to send you this
    message of mine^^,)

    Ur no.1 fan——-
    khieve^_^

  18. khieve^_^ says:

    I hope receive my message——-
    I LOVE YOU BOB ONG!!

  19. trixe_o124 says:

    galeng mo tlaga idol!!!! walang cnav cee confucius… dinadaig mo pa cee shakespear!!! adek na adek kami sau mapa teacher ko, ate ko .. mga classmates ko.. basta lahat kame suportado sau!!! kelan kea namen makikita cee bob ong??????????!!!!!!!!

  20. lewi_ong says:

    to the highest level ka na talaga insan!!

  21. cherriecaro says:

    hi bob ong plz add my face book

  22. cherriecaro says:

    huhu galing muh talaga hahahha

  23. GENRAQ says:

    ipinagmamalaki ka namin bob ong !

  24. biancaneszÜ says:

    an nice tlaga ni bob ong Ü

  25. gerald says:

    ang gling mo tlga!!!prang ngaun lng ako nbuhay d2 sa mundo!

  26. skinny says:

    Hi Bob….!!!

    Astig ka talaga…gustong-gusto ko talaga yung mag books mo. Nakikita ko yung sarili ko sa mga sinulat mo. I can feel it! nalilibang ako at natututo pa! Tnx.. hope you read my message.

  27. EHDZM says:

    THE BEST KA TALAGA, NABASA KO NG LAHAT NG LIBRO NI HUDAS, THE BEST!!!

  28. EHDZM17 says:

    and the best din sa aken ung life quote mo na’ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko’

  29. aby says:

    bob ong…..

    your such a great author…
    mamahagi k naman hehhe
    i was blessed to read all of your master piece…
    heheh sarap mangoleksyon.. nang book mo

    keep up the good work..
    more power and
    sana makagawa ka pa nang madaming book…

  30. jr.love says:

    its so nice huh.alam u naman pg makabasa me nglove quotes ang saya saya ko ever…!!!! jojojojo.
    super talaga!!!!!

  31. dorie peren says:

    aii.. mula nOn pa maN, idol ko na c bob ong.. continue your good job!! godbless!! more powers!!

    -dorie&odrine
    from tuy batangas

  32. aLeXaNdRa says:

    hi bakit ganun?? kelangan ba talaga mag paka mysterious effect at ilihim ang tunay na pagkatao mo bob Ong??
    bakit ganun, kelangan mong magtago?? di ka ba proud kase marami kang fans? yung iba ngang novelist proud na proud sila para sa sarili nila yung mga pocket books writer with autograph signing pa sa mga mall at fan page…hmmm taz ikaw ikaw…pa low profile effect…ni hindi ko nga alam kung ikaw ba talaga tatanggap ng message ko e baka one of your inpersonator lang!!

    by the way kip it up!!

  33. aizen joy briongos says:

    i love u bobong idol

  34. bochok says:

    wew.. me kulang… anu bayan…

  35. axLe :) says:

    “Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”

  36. reg says:

    hmmm baka naman si bob ong ay hindi iisang tao ,,kundi isang grupo ng manunulat at ibat ibang idea..parang si big brother lang..na alam nila na nag eexist but behind him ay isang grupo ng tao na nagpapakilos at nagpapatupad kung ano papagawa nya sa mga housemates?..hmmmm..sana may sense sinabi ko..
    btw di ko pa nababasa ang bagong libro nya maybe this holy week..
    GOODLUCK bob ong

  37. jophine says:

    bob ong you are the best…
    i am a student of plmar not so popular
    but you give me a strenght to be proud of myself and my school…
    and not be ashame all the time…
    you know whenever i am reading your qoutes
    it is giving me confidence to face the true world…
    thank you and goodluck to your books…
    i love you bob ong i hope i can meet you someday…

  38. melany says:

    all i can say is ” I LOVE IT!!!” (^_^)

Leave a Reply

You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>