Adik Ka Ba Questionnaire
May nakita ako isang “Adik Ka Ba Questionnaire” sa isang blog. Naisipan ko din gawin.Ciempre and pinakamajor na tanong dito ay “Adik ka ba?” Ang Sagot ko naman dito ay depende sa tanong, pero kadalasan “OO”
Nagawa nyo na bang magpatugtog ng favorite song nyo for the season sa isang buong araw ng literally one hundred something times? Ahh madalas mangyari sa’kin ‘to dahil sa limited and number of songs sa playlist ko kaya paulit ulit nalang, kahit nga di ko favorite eh nagiging favorite ko na rin.
Nagawa nyo na bang kumain ng Toblerone, M&M’s, Crunch at Cadbury chocolates all in one sitting? Ahh Dati OO nung matakaw pa kami ng mga kapatid ko sobra, at nakakabili pa ng chocolates ang mga magulang ko, kaso nawalan din kami ng gana sa chocolates at nawala ang mga baby fats namin. Mga panahon ng gradeschool lang cguro ganun.
Nagawa nyo na bang manood ng isang buong Anime series in one sitting din? Eto hanggang ngayon palagi, minsan di lang basta isa, kz isa to sa mga bonding time namin ng mga kapatid ko.
Nakakain na po ba kayo ng dalawang set ng Shake Sashimi sa isang Japanese Restaurant? Kahit naman di magpunta sa restaurant kahit papano nakakakin kami ng Japanese food sa bahay, kasi Chef ang nanay ko sa isang elite na restaurant. Kaya ba’t pa magbabayad ng mahal kung pwede naman sa bahay.
Nagkaron na po ba ng time sa buhay nyo na na-adik kayo sa isang tao? Ahh OO talagang adik na adik ako sa dati kong GF na ngayon ay misis ko na at ina ng anak ko. Ngayon 2 na sila, kasi adik na adik din ako sa anak ko. ahahaha.
Ako naman ang magtatanong, bakit puro plural ang tanong dito? Tsaka ang iksi naman, yun na yun? Pang Adik na ba yun? Palagay ko di adik ang may gawa ng questionnaire na ito. Hehe.
Incoming search terms:
- adik quotes tagalog
- pang adik quotes
- tanong quotes tagalog
- adik na mga tanong
- adik qoutes
- quotes about adik
- quotes n pang adik
- quotes tagalog tanong
Comments
Leave a Reply